ayaw tumigil sa kakangawa ang batang aso. kumuha na ako ng tubig sa timba. ibinuhos ko yung isang buong tabo. ayun! lalong nag wala sa atungal. bwiset! hindi na ako naka pag pigil! binuksan ko ang ref namin. kinuha ang nag yeyelong tubig. at binuhos sa nakaka rinding tuta¬ ayun!
humina ang iyak. tumalab ang napaka brutal at henyo kong ideya!
Bumalik ako sa higaan. pasado alas tres na ng madaling araw. pero mag dadalawang oras din akong naki pag digma sa pag papatahan ng iyak ng isang inosenteng buhay. habang dinig ko ang isang marahang ungol na nangiginig sa isang sulok. animo'y mag hihiwalay na ang katawan sa kaluluwa. sa buong buhay ko. hindi ko sukat akalain na wala ng mas pinaka naka kainis na bagay sa mundo. kundi ang maputol ang kasarapan ng iyong tulog sa gitna ng gabi. - Para lang patigilin ang iyak ng isang tuta.
pero ang mas nakaka inis. - Yung bumalik ka sa higaan dala ang tagumpay subalit bit bit mo ang sang damukal na konsensya. isang hugot ng mahabang hininga. pumikit ako pero lalong bakit para mas malakas naman ngayon ang mas maliit na tinig na bumubulyaw sa aking tenga?
Sa bakuran ng aming lote ay sumagad kumulang na may limang bahay. at bawat tahanang ito ay mga taong malamang kinabukasan pag labas ko ng bahay ay mga matang manlilisik at naka simangot dahil din sa puyat. imposibleng hindi. dahil dikit dikit lang ang aming mga bahay.
Wala akong pake! kagaya din ng una kong sinabi sa sarili ko na Wala akong paki alam kung mapatay kona ang tuta habang ang ganid kong antok ay tuluyan ng maka gawa na ng krimen sa oras na yon
hindi ko na talaga kaya! tila naka bawi sa ginaw ang tuta, lumalakas ang nginig nya. pero sa paraang nakikipag laban na ito sa kanyang buhay.
pumikit ako at tinipon ang natitira kong pasensya.
parang hindi rin naman kaya ng aking dibdib na mabungaran ito kinabukasan na nanigas na sa ginaw.
oo. wala namang nakukulong sa pag kakapatay lang ng tuta. hindi rin naman nakakasuhan kasi walang naka kita.
ako ang pinaka makapangyarihan sa lahat- ang
buhay ng aso na ito ay nasa aking mga kamay. isang paikot lang ng lubid
pahila pataas at mahigpit pababa. PATAY KANG ASO KA! pero mas pinili
ko ang tahimik na paraan,
kumuha ako ng basahan at nilapitan ang
Tuta, .. at pag ka haplos ko sa kanya. ang lamig ng kanyang katawan ay
aking nadama. lamig ng pangungulila sa ina.. at may luha ng pananabik sa
susong inilayo ko sa kanya.
Bumalik sa aking ala ala ang mga
panahong nag silang ng bata ang aking asawa,. ito ang unang araw na
tinawag akong AMA. isang responsibilidad at parehong biyaya . Napaka
saya ko nun. nasambit ko sa aking sarili. - sa wakas! tatay na ako!.
Malalaki na ang aming mga anak ni misis. tapos na ang panahong kami ay parehong puyat sa iyak ng mga bata.
pero akalain mo nga naman. muling ipina alala sa akin ng tangan kong tuta ngayon , ang kahulugan ng pagiging isang magulang,
Binalot ko ang Tuta at tinuyo ng aming lumang basahan.
at kasabay ng muling pagbabalik ng init sa kanyang katawan., muli ko uling nadama maging isang magulang.
maging isang tao.
na sa kabila ng mga probelama at alalahanin sa buhay. minsan tayo ay nagbabago.
nakakalimot sa mga bagay na mas mahalaga sa buhay, -ito ay ang pag lingap at Pag -ibig
Akala natin kapag malalaki na ang mga
anak natin., tapos na ang pasensya. tapos na ang pag pupuyat sa pag
timpla ng gatas at pag papalit ng umapaw na lampin at nabasang kobre
kama.
Isang bagay ang natutunan ko sa gabing. ito.
Sa buhay ng tao laging may dumarating na puyat. at pag kaka istorbo sa mahimbing nang tulog
katumbas ito ng pag kaka bulabog sa tahimik nating normal na pamumuhay na nagugulo dahil sa problema at mga alalahanin sa buhay
Pero parehas lang din pala. lahat ay napupuyat. at dumarating sa puntong ito,
at lagi kang may pagpipilian
Ang sumabay sa oras ng iyong Inis
at matalo. mag patiwakal sa naubos mong
pasensiya at igawad ang maling pag husga. UPANG matapos ang iyong
Problema - MAGING MASAMA at piliian ang Landas na hindi na tugma
o Tanggapin na ang pagpupuyat at pag papatahan ng tuta ay isang Sorpresa na may handog at pag asa. HAMON upang muling makaalala
oo . Maka alala, Na tayo lahat ay may pagsusulit sa pag pupuyat na ito
Aaminin ko..... bagsak ako sa pagsusulit na ito.
pero kahit papano. Muling nasubok ang tatag ng aking konsensya.
Kaya ko bang tiisin ang buhay ng aking kapwa?
Kaya ko pa bang matulog habang may lumalamig na ang puso at lumalaking mga buhay na may ipupunlang hinanakit at sugat?
Isang inosenteng hayop lang. Pero pina dama sa akin ang kahulugan ng Buhay.
Papano pa kaya ang ating mga personal na kasama sa bahay?
Ang iyong anak.
Asawa
Magulang.,. Kapatid,
kapitbahay..
Sila ay pareho ding mga tuta na
gumigising sa atin sa madaling araw. gumagambala sa kasarapan
ng ating mga pagtulog, humahati sa ating mga katinuan. at bumubuo sa
ating mga pagkululang.
Masarap palang mag alaga ng tuta,,
Masarap palang mapuyat.
Isang tanda., na tayo sa bandang huli ay natututo. nagmamahal nag papakatao at
muling nagiging tao.
